-- Advertisements --

Magiging epektibo na simula sa Pebrero ng kasalukuyang taon ang umento sa kontribusyon ng mga miyembro ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund.

Ayon sa ahensiya, ang buwanang kontribusyon mula sa mga empleyado at employer ay tataas sa P200 mula sa minimum na P100.

Ibig sabihin ito ay kabuuang P400.

Ayon sa Pag-IBIG, ang pagtaas na ito ay upang mapanatili ang mga pangangailangan ng mga miyembro nito at magrereflect naman sa mga benepisyo ng mga miyembro.