Imumungkahi umano ni Labor Secretary Silvestre Bello III na taasan ang sahod ng mga nurse at medical workers sa pribadong sektor.
Ayon kay Bello, magsusumite raw ito ng proposal sa Inter-Agency Task Force upang dagdagan ang entry level salary ng nurses at medical workers ng hanggang P26,000.
“I am going to present to the IATF a bill that will propose the increase of our nurses and medical workers in the private sector to the level of the nurses and medical workers in the public sector,” wika ni Bello.
Sinabi ng kalihim, natanggap daw ito ang approval ni Health Secretary Francisco Duque III upang idulog ito sa IATF.
Una rito, nanawagan ang grupong Filipino Nurses United na magkaroon ng umento sa minimum wage at benepisyo ng mga nurse sa pribadong sektor dahil pareho lamang anila ang serbisyong kanilang ibinibigay gaya ng kanilang mga kasamahan sa public sector.