-- Advertisements --

Maaaring magdulot ng seryosong pinsala sa ekonomiya ng Pilipinas ang maritime row nito sa China na may kinalaman sa West Philippine Sea.

Base sa ulat mula sa Bank of America (BofA), binanggit nito ang posibleng epekto ng umiigting na tensiyon sa WPS pagdating sa kalakalan sa China, turismo at investments sa Pilipinas.

Ngayong taon, pinanatili nito ang 5.4% growth forecast para sa Pilipinas mas mababa kumpara sa target ng Marcos administration na 6.7% subalit nagbabala na ang deterioration sa relasyon ng PH at China at maaaring makaapekto sa pagbulusok nito.

Sinabi rin ng Bank of America na ang China ang nananatiling largest trading partner ng PH at largest source ng mga turista bago tumama ang pandemiya.

Bagamat hindi pangunahing source ang China pagdating sa investments, posibleng isa ito dahil na rin sa iniaalok na loans at investments para sa infrastructure project ng bansa na hindi naisulong.

Sakali naiya na maglunsad ng economic assault ang China sa PH, posibleng lumala ang trade imbalance sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, sa panig ng PH, una naman ng sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang territorial rights ng bansa sa West PH Sea ay hindi dapat na ipagpalagay na isang hakbang para sirain ang ating economic relations.

Inihayag din ng kalihim na lubos na pinapahalagahan ng PH ang economic relationship nito sa China at ang posisyon ng bansa sa disputed waters ay hindi dapat na negatibong maapektuhan ang economic ties.