DAVAO CITY – Nawalan ng malay at ang isang base umpire matapos tamaan ng ibinatong bola sa kasagsagan ng sagupaan ng Western Visayas at Davao Regional Athletics Association (DAVRAA) sa Tacunan National High School sa Tacunan, Tugbok District, Davao City.
Nakilala ang biktima na isang Leovin Galima, 40 taong gulang na taga Nueva Vizcaya.
Lumalabas na Western Visayas ang mga nakabantay sa base at ang DAVRAA ang mga batter.
Nasa first base pa ang unang batter ng DAVRAA at ang second batter ay hininaan ang pagsapol sa bola kung kaya’t nakuha ng pitcher at ibinato sa second base upang hindi makatakbo ang taga-DAVRAA na nasa first base pa.
Ibinato ng second baser ang bola sa first baser ngunit nagkataon namang napadaan ang base ampire na natamaan sa kanang bahagi ng kanyang ulo.
Dahil nasapul ang ulo ng umpire ay nawalan ito ng malay.
Ni-rescue ang biktima ng medical team at isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Pinalitan siya ng ibang umpire at sa labanan ng Western Visayas at DAVRAA panalo ang Western Visayas.
Ang umpire kahit minalas, nasiyahan naman dahil magagandang doctor at nurse umano ang umiksamin sa kanya.
Matapos masigurong walang napinsala sa ulo ng umpire ay bumalik na ito sa trabaho.