Mariing kinondena ng Malacañang ang pagpabor ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa resolusyon ng Iceland para imbestigahan ang mga paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang resolusyong kinatigan ng 17 miyembrong bansa sa ika-41 sesyon ng UNHRC ay batay umano sa maling impormasyon at hindi naberipikang “facts and figures.”
Ayon kay Sec. Panelo, kinukuwestiyon din nila ang validity ng resolusyon dahil maliban sa hindi unanimous ang botohan, hindi rin nakakuha ng simple majority mula sa 47 na bansang kasapi.
Iginiit pa ni Panelo na ang resolusyon ay one-sided, makitid, malisyosong pamumulitika at hindi pagrespeto sa soberenya ng bansa.
“It is offensive and insulting to the sensibilities of the 81% of the Filipino people who expressed satisfaction on the kind of forceful and effective governance that PRRD has given them,” ani Sec. Panelo.