Nangangamba ang United Nations ambassador to Britain na baka sa loob ng dalawang linggo ay madadapuan ng COVID-19 ang kalahati sa populasyon ng Myanmar.
Sinabi ni British Ambassador Barbara Woodward na dapat bilisan ng mga United Nation ang pagbibigay ng bakuna sa nasabing bansa.
Bumagsak kasi ang healthcare system ng bansa mula ng naganap ang kudeta kung saan kinuha ng militar ang pamumuno sa gobyerno noong Pebrero.
Kapag hindi naagapan ay posibleng kalahati sa 54 milyon na populasyon ng Myanmar ang madadapuan ng COVID-19.
Nakikikpag-ugnayan na rin ang Myanmar military sa ibang bansa para makakuha ng bakuna.
Mayroong dalawang milyon na bakuna mula sa China ang natanggap ng Myanmar noong nakaraang mga linggo at 3.2 percent lamang sa populasyon ng nasabing bansa ang nabakunahan lamang.