Tiniyak ng UN at humanitarian partners nito na mahigpit silang nakikipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas upang masigurong maibigay ang agarang tulong at matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Odette.
Sa isang statement sinabi ng UN Resident Coordinator at Humanitarian Coordinator sa Pilipinas, nagpaabot nang simpatiya ang United Nationas at ang humanitarian country team sa mga biktima at pamilyang nasalanta ng bagyo sa rehiyong ng Visayas at Mindanao.
Gayundin tinutugunan na rin ang mga pangangailangan sa matutuluyan, pangkalusugan , pagkain, at iba pang life-saving responses mula sa mga ahensiya ng United nations, NGOs at mga pribadong sektor.
Nauna rito, iniulat ng Philippine National Police na nasa 208 na ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.