Nakatakdang makipagkitaang pinuno ng UN sa mga pangulo ng Russia at Ukraine nang magkahiwalay sa mga darating na araw.
Sinusubukan din ng Pangulo ng Turkey na mag-set up ng mga pagpupulong sa kanyang mga counterparts upang ipagpatuloy ang natigil na negosasyon.
Si UN Secretary-General Antonio Guterres ay makipagkita kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow sa araw ng Martes matapos ang pakikipagpulong sa Russian foreign minister.
Pagdating sa araw ng Huwebes, makipagpulong naman si Guterres kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky at sa Ukrainian foreign minister.
Napag-alaman na inaasahan na ang pangulo ng Turkey na makikipag-usap via telephone sa kanyang mga counterparts sa Russia at Ukraine sa katapusan ng linggo na may pag-asang mawakasan nila ang digmaan.
Ang Turkey ay may natatanging posisyon ng pagkakaroon ng maritime border sa parehong bansa, gayundin ang pagiging miyembro ng NATO at isa sa mga pangunahing kasosyo sa kalakalan ng Russia.