-- Advertisements --

Personal ng tinungo ni UN Secretary-General Antonio Guterres si Russian President Vladimir Putin para isulong ang ceasefire sa Ukraine.

Ito ay matapos na mabigo ang ipinadaang emissary o diplomatic representative ni UN chief Guterres para kumbinshin si Putin para itigil na ang giyera sa Ukraine at kasunod ng babala ni Russian Foreign minister Sergei Lavrov ng banta ng World War III.

Unang binisita ni Gutteres ang Turkey kung saan unang isinagawa ang peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Matapos ang pagbisita ni Guterres ngayong araw ng Martes sa Moscow sunod na magtutungo ito sa Kyiv para makikipagkita kay Ukraine President Volodymyr Zelensky sa araw ng huwebes.

Isa ang UN chief sa mga paulit-ulit na nananawagan para sa humanitarian ceasefire o pagtigil ng kaguluhan sa Ukraine.