-- Advertisements --

NAGA CITY- Nasa mabuting kalagayan na ang contigents ng United Nations (UN) matapos maaksidente ang sinasakyan ng mga ito pagdating sa Diversion road, Purok Baybayin, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay LtCol. Dennis Cana, tagapagsalita ng Southern Luzon Command (SOLCOM), sinabi nitong patungo sana ang nasabing grupo sa mismong headquarters ng Solcom para talakayin ang tungkol sa mga humanitarian projects at BALIKATAN Exercises na nakatakdang gawin sa susunod na taon.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar, aksidenteng nakabangga ang sinasakyan ng mga ito sa delivery truck na minamaneho ni Derick Orig.

Kaugnay nito, nagtamo ng minor injuries sina LtCol Stewart Raaf at Lt. Eldredge na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP – Lucena sa naturang insidente.