Magsasagawa ang International Court of Justice ng United Nation ng pagdinig sa kasong inihain ng South Africa na nag-aakusa sa Israel ng pagsasagawa ng genocide laban sa mga Palestino sa Gaza.
Kabilang din dito ang apela sa korte na ipag-utos sa Israel na itigil na ang military operations nito sa naturang teritoryo.
Sa isinumiteng kaso, sinabi ng South Africa na ang mga aksiyon ng Israel ay intensiyon na wasakin ang mahahalagan parte ng Palestinian nationals, racial at ethnical group.
Ayon naman sa International Court of Justice, magbibigay lamang ito ng opinyon ukol sa alegasyong genocide laban sa Israel dahil ang kaso ay hindi criminal trial.
Sa panig naman ng Israel, mariing itinanggi nito ang paratang bilang wala umanong basehan.
Tinawag din ni Israeli President Isaac Herzo ang mga akusasyon na kasuklam-suklam at kalokohan lamang.
Inihayag din ng Pangulo ng Israel na ginagawa ng Israeli army ang kanilang makakaya sa kabila ng napakakumplikadong sitwasyon sa ground para masiguro na walang unintended consequences at walang civilian casualties.
Sa kasalukuyan, mahigit 23,350 katao na ang napatay sa Gaza simula ng sumiklab ang giyera noong Okture 7, 2023 batay sa health ministry na pinapatakbo ng Hamas.