Dinagdagan ng United Nations ang kanilang fundraising targets para sa mga biktma ng bagyong Odette.
Mula sa dating $107.2 milyon ay ginawa nila itong $169-M para sa mahigit 840,000 na katao na nasalanta ng nasabing bagy sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sinabi ni UN Resident Coordinator sa bansa na si Gustavo Gonzales na sa ginawa nilang mahigit na 70 field assessments ay lumabas na marami pa rin ang nararapat na mabigyan ng tulong.
Ang bagong target ay mabibigyan ng mga matitirahan, pagkain, inuming tubig at mga sanitation facilities ang mga nasalanta ng bagyo.
Dagdag pa nito na nasa 30 porsiyento ng nasabing bagong target ang kanila ng natanggap.
Aabot sa 1.7 milyon an kabahayan ang nasira ng bagyong Odette na mas marami pa noong Super Typhoon “Yolanda” noong 2013 kung saan ilang libong katao pa rn ang nananatili sa evacuation centers.