-- Advertisements --
Gagawing virtual na ang meeting ng United Nations General Assembly dahil sa banta ng coronavirus.
Ito na rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng UN na gagawin ang pagpupulong sa darating na Setyembre 22-29.
Sinabi ni UN President Tijjani Muhammad-Bande, ang kanilang hakbang ay dahil sa paghihigpit ng mga biyahe sa ibang mga bansa.
Dapat na rin aniyang magsumite na ng recorded 15 minutes speecha ang mga pangulo, prime minister at ibang mga government minister o UN ambassadors limang araw bago ang nasabing assembly.
Ang General Assembly ay siyang pinakamalaking diplomatic gathering kung saan ilang mga events dito ay ang multilateral meetings at pagtitipon ng mga world leaders sa New York.