Iginit ng isang eksperto na walang ibang maaaring humawak ng imbestigasyon ng nakaraang kaso sa Recto Bank, West Philippine Sea kundi mga ekspertong may alam sa batas sa karagatan.
Ito’y kasabay ng anunsyo ng Malacanang na tinanggap ng pangulo ang alok ng China na joint investigation sa kaso.
Sa panayam ng Bombo Radyo inamin ng UP political science professor na si Dr. Clarita Carlos na hindi maaaring asahan ang United Nations (UN) para pumagitna sa naturang issue.
Pero bilang miyembro ng International Maritime Organization (IMO), may madedependehan daw ang dalawang estado sa patas na pagsisiyasat.
“Hindi natin minamaliit yung insidente (Recto Bank), kundi I mean yung UN nung sa pag-invade ng US sa Iraq wala silang nagawa, ito pa kayang insidente na ‘to.”
“‘Yung sa IMO, pareho tayong signatory ng China… yun ay isang maritime investigator. Mga batikan at eksperto, alam nila kung sino ang tatanungin; ano ang itatanong.”
Nauna ng umalma sina Vice Pres. Leni Robredo at ilang senador sa joint investigation.