Patuloy ang panawagan ng mga opisyal ng United Nations na huwag kalimutan ng mga bansa ang kalagayan ng mga Rohingya refugees sa Bangladesh at nanawagan din ang mga ito ng tulong upang masigurado ang kaligtasan at boluntaryong pagbabalik ng mga ito sa Myanmar.
Ayon kay United Nations under secretary general for humanitarian affairs Mark Lowcock, gumagawa ang mga ito ng paraan upang makalikom ng bilyon-bilyong dolyar5 upang tulungan ang mga Rohingya refugees pati na rin ang bansa na pansamantalang kumukupkop sa mga ito.
Halos 7,000 katao ang tumakas sa Myanmar kasunod ang brutal na sagupaan ng mga militar sa bansa. Nasa 1,200 milyon naman ang kasalukuyang naninirahan sa Bangladesh.
“Our main message is to the wider world: do not forget the Rohingya, do not forget the generosity of the people and institutions and government of Bangladesh, and be generous in supporting both the Rohingya and Bangladesh,” saad ni Lowcock.