-- Advertisements --
image 447

Hiniling ng United Nations sa Russia na magwithdraw na ito laban sa Ukraine na minarkahan ang isang taong anibersaryo ng digmaan na may panawagan para sa isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Ang Ukraine kasi ay nakakuha ng malalakas na suporta mula sa 141 out of 193 na miyembro ng United Nations.

Pagdating sa bisperas ng unang anibersaryo ng brutal na digmaan, ang suporta para sa Kyiv ay bahagyang nagbago mula noong nakaraang Oktubre nang bumoto ang 143 na bansa upang kondenahin ang idineklarang pagsasanib ng Russia sa apat na rehiyon ng Ukraine.

Ang boto ay dumating pagkatapos ng dalawang araw ng debate kung saan hinimok ng Kyiv ang internasyonal na komunidad na pumili sa susuportahang bansa.

Ang resolusyon ay muling nagpatibay ng suporta para sa “soberanya” at “integridad ng teritoryo” ng Ukraine, na tinatanggihan ang anumang pag-angkin ng Russia sa mga bahagi ng bansang sinasakop nito.

Hiniling din nito sa Russian Federation na bawiin ang lahat ng pwersang militar nito mula sa teritoryo ng Ukraine sa loob ng kinikilalang international borders at nanawagan para sa pagtigil ng digmaan ng dalawang bansa.