Tutol si UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa ginawang pagbitay ng Saudi Arabia sa 37 convicted criminals matapos mapatunayang guilty ang mga ito sa paghahasik ng terorismo.
Tinawag ni Bachelet na kagulat-gulat abusado umano ang ginawang ito ng Saudi Arabia dahil tatlo raw sa mga binitay ay menor de edad.
Hinatulan ang mga ito dahil sa di-umano’y paglalagay nila ng bomba sa mga security installations, pagpatay sa mga pulis at pakikipagtulungan di-umano sa kalabang organisasyon.
Dagdag pa ni Bachelet, itinuloy pa rin ng Saudi Arabia ang pagbitay sa mga ito sa kabila ng paulit-ulit na paala ng Human Rights officials patungkol sa kakulangan ng due process at hindi makatarungang paglilitis.
Hinikayat naman ng Chilean UN official ang Saudi Arabia na suriin ang counterterrorism legislation ng bansa, pagbabawal ng death penalty sa mga menor de edad at pansamantalang pagsuspinde sa pagbitay sa tatlo pang kalalakihan na nasa death row.