Bukas umano si Chief Justice Lucas Bersamin sa plano ng United Nations (UN) Human Rights Council na imbestigahan ang umano’y “unlawful killings” sa kasalukuyang administrasyon.
Pero ayon kay Bersamin na nagbigay ng talumpati sa ika-121 taon ng Araw ng Kalayaan sa Bonifacio Monument sa Caloocan City, hindi raw niya alam ang tinutukoy ng human rights group.
Una rito, hiniling ng UN Human Rights Council na buksan ang imbestigasyon ng patayan sa bansa kaugnay pa rin sa kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga.
Sa isyu naman ng human rights groups na hindi pa rin ganap na malaya ang bansa, sinabi ni Bersamin na lagi naman umanong may puna ang mga ito sa kalagayan ng bansa.
Aniya, mistula umanong walang kabusugan ang mga human rights group at lagi itong opposite o kritiko sino man ang manungkulan sa bansa.