CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi makaka-apekto para sa pinaigting na internal security operations ng Sandahang Lakas ng Pilipinas laban sa kilusang armado ng New People’s Army ang komento ng United Nations -International Criminal Court (UN-ICC) na ‘obsolete’ na o wala na sa tayming ng panahon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)
Paliwanag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na bagamat nakinig sila sa naging komento ni UN Special Rapporteur Irene Khan subalit wala itong epekto sa Armed Forces of the Philippines dahil mismo ang Pilipinas ang nakaalam paano masagot ang usaping pangkapayapaan at mga kaibat na mga isyu patungkol rito.
Sinabi ni Dema-ala na walang perpekto na programa kahit saang bahagi ng mundo kaya tuloy-tuloy lang sila pagpapatupad ng NTF-ELCAC dahil kitang-kita naman ng publiko ang paghina ng kilusang armado at pagbaba ng bilang ng mga ito dahil nagsibalikan na sa gobyerno.
Magugunitang maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagsilbing commander-in-chief ang mismong nagtiyak na mananatili ang NTF-ELCAC dahil hindi pa tapos ang pagsagot ng internal security theats ng bansa.