-- Advertisements --

Maglulunsad ng imbestigasyon ang UN peacekeeping mission sa Democratic Republic of Congo kaygnay sa pagkakapatay sa isang demonstrador na kagagawan umano ng isa sa kanilang mga tauhan.

Bago ito, pumanaw ang naturang indibidwal nitong Martes (local time) sa siyudad ng Beni kung saan inaakusahan ng mga residente na bigo raw ang UN at ang gobyerno na pangalagaan sila laban sa isang Islamist militia.

Ayon sa tagapagsalita ng puwersa ng UN, batay sa kanilang nakalap na ebidenysa, ang Blue Helmets daw ang responsable sa insidente.

Sa isa namang pahayag, sinabi ni mission chief Leila Zerrougui na ang hindi pa tinutukoy na lalaki ay sinasabing napatay bago ito magbato ng isang petrol bomb.

Nitong Lunes, sinugod ng mga ralyista ang isang UN military base at ang town hall ng Beni kung saan anim na raw ang patay.

Bilang tugon sa mga protesta, nangako naman si DR Congo President Felix Tshisekedi na magsasagawa ng joint operations ang UN at ang tropa ng pamahalaan upang pangalagaan ang mga sibilyan sa Beni. (BBC)