-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) for Palestine Refugees ang paglala sa ng mga residente ng Gaza.

Ito ay dahil sa mahigit tatlong linggo ng hindi pinapapasok ang mga humanitarian aid sa Gaza.

Sianbi ni UNRWA commissioner Philippe Lazzarini na ang ito na ang pinakamatagal na hindi nabibigyan ng suplay ng pagkain at medical ang mga taga-Gaza mula ng sumiklab ang giyera.

Noong ipinatupad kasi ang ceasefire ay nasa 600 trucks ang nakapasok sa teritory kada araw subalit ngayon ay natigil dahil sa muling pag-atake ng Israel.

Marami na rin ang mga nagkakasakit ang hindi nabibigyan ng lunas at tumaas ang bilang ng mga nagugutom dahil sa kawalan ng suplay ng makakain.

Aabot na rin sa walong staff nila ang nasawi dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel forces sa lugar.

Una ng sinabi ng Israel na hindi sila titigil sa pag-atake hanggang hindi tuluyang palayain ng Hamas ang kanilang mga bihag.