-- Advertisements --
Patuloy ang pagbagsak ng healthcare system ng Yemen dahil sa patuloy ang pagkalat ng coronavirus disease sa nasabing bansa.
Ayon kay Jens Laerke, tagapagsalita ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) na lubhang nakakabahala ang nasabing kalagayan ng bansa.
Maraming mga tao rin ang itinataboy ng mga pagamutan dahil sa kakulangan nila ng mga personal protective equipment.
Nasira ang kanilang health system noong nakaraang mga taon dahil sa civil war kaya nagkulang sila ng mga ventilators.