-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations ang patuloy na labanan ng mga rebeldeng grupo at sundalo ng Democratic Republic of Congo.

Ang mga rebeldeng grupo ay patuloy ang pagsakop sa mga iba’t-ibang opisina ng gobyerno kung saan nakontrol na umano nila ang paliparan sa Goma City.

Nasawi rin ang apat na South African peacekeepers matapos ang pagtama ng mortars sa base at Goma airport.

Ang nasabing nasawing mga peacekeepers ay bukod pa sa unang 17 foreign peacekeepers kabilang ng 13 peackeepers mula sa South Africa.

Tinatarget din ng M23 rebels ang mga foreign embassies sa nasabing bansa.

Itinanggi naman ng katabing bansa na Rwanda na kanilang sinusuportahan ang mga rebeldeng grupo.

Nagsagawa na ng emergency meetings ang African Union peace and security council para talakayin ang nagaganap na kaguluhan sa Congo.