-- Advertisements --
Labis na nababahala ang United Nations sa lumalalang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Lebanon.
Sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na marapat na ang dalawang panig ay magkaroon ng mapayapang pag-uusap.
Itinuturing nito na ang nasabing rehiyon ay nakakaranas na matinding paghihirap.
Una ng sinabi ng Israel Defense forces na kanilan napatay sa airstrike nila sa Beirut ang isa sa mga lider ng Hezbollah.
Nanawagan naman si Lebanese Prime Minister Najib Mikati sa international community na mamamagitan na.
Kasunod ito ay dahil sa maraming mga sibilyan nila ang nadadamay sa ginagawang pag-atake ng Israel.
Hindi na aniya ikinokonsidera ng Israel ang buhay ng mga inosenteng sibilyan sa kanilang ginagawang pag-atake.