-- Advertisements --
Ikinabahala ng United Nations ang maaring pagtigil sa operasyon ng pagamutan sa northern Gaza dahil sa kakulangan na ng suplay ng kanilang generators.
Ayon kay Hussan Abu SAfiya ang hospital director ng Kamal Adwan Hospital na mapipilitan silang ihinto ang operasyon dahil sa nasabing problema.
Kapag nagsara ang kanilang operasyon ay maaring tuluyang masawi na ang mga pasyente kabilang ang ilang mga sanggol sa nursery unit.
Dahil dito ay nanawagan sila sa mga bansa at international institutions na magdala ng fuel para sa pagamutan bago pa mahuli ang lahat.