-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations’ World Food Programme (WFP) ang pagkaubos na ng mga pagkain sa Gaza.

Ito ay dahil sa pagharang ng Israel sa mga humanitarian aide na pumasok sa Gaza.

Nitong Biyernes ng huling batch ng mga pagkain ang kanilang nai-deliver sa kusina ng Gaza at ito ay mauubos na ng ilang araw.

Noong Marso 2 ng simulan ng Israel ang pagharang sa mga humanitarian aide kung ilang milyong mga pagkain at gamot ang hindi nakarating na sa Gaza.

Magugunitang nanindigan ang Israel na magpapatuloy ang kanilang pag-atake hanggang hindi pakawalan ng Hamas ang mga bihag na kanilang hawak.