-- Advertisements --

Ikinagalit ng United Nations ang pagkasira ng mga paaralan na kanilang ipinapatakbo matapos na tamaan ng air strikes ng Israel.

Ayon sa Israeli military na kaya nila inatake ang mga paaralan sa Gaza city ay dahil ito umano ay ginagamit na taguan ng mga Hamas.

Ang nasabing operasyon na ito ng Israeli Military ay nagdulot ng ilang mga katao ang nasawi.

Una ng nagbabala ang UN na dapat ay huwag idamay ang mga paaralan at pagamutan na kanilang pinapatakbo.