-- Advertisements --
Inakusahan ng UN agency for Palestinian refugees ang Israel ng pagkulong at pagtorture sa ilan nilang staff.
Pinipilit din umano ang mga ito na gumawa ng maling pahayag na may koneksyon sila sa Hamas.
Ayon kay UNRWA spokeswoman Juliette Touma na napipilitan lamang ang mga staff nila na magsalita ng mali dahil sa torture na pinagdaanan nila.
Sinasabing ipinapalabas ng Israel na ang ilang staff nila ay kasabwat ng Hamas na umatake sa Israel noong Oktubre 7.
Iginiit naman ng Israel Defense Forces na hindi nila gawain ang manakit o magtorture ng mga detainee.