-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang United Nations sa pagkalat ng sex-video sa opisyal na sasakyan nila sa Israel.

Ayon sa tagapagsalita ni UN Secretary General Antonio Guterres na si Stéphane Dujarric, isang nakakabahala at nakakabigla ang nasabing pangyayari.

Malaki ang paniniwala nito na mga staff members ng peacekeeping organization sa Israel.

Posibleng maharap sa pagkatanggal sa trabaho at masampahan ng kaso ang mga sangkot sakaling mapatunayang guilty sa kanilang ginawa.

Mahigpit kasi ang kanilang polisiya sa pagsasagawa ng mag sexual act sa kanilang mga staff.

Malapit na aniya nilang makilala ang nasabing pagkakakilanlan ng mga sangkot sa nasabing sex video.

Kumalat ang 18-second video sa social media kung saan makikita ang isang babae na nakapula at lalaki na nagtatalik sa isang puting 4×4 na sasakyan na may markang UN.