Inilagay ng United Nations ang Israel sa global list ng offenders dahil sa pagkasawi ng mga kabataan sa operasyon nila sa Gaza.
Sinabi ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres na ang global list ay isasama ang ulat sa mga bata ganun din ang nangyaring giyera ay isusumite nila sa UN Security Council sa darating ng Hunyo 14.
Ikinagulat naman ni Israel Ambassador to UN na si Gilad Erdan sa naging desisyon na ito kung saan tinawag pa nito na isang nakakahiyang desisyon.
Ikinagalit naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang hakbang na ito ng UN kung saan inilagay nila ang sarili sa “blacklist of history”.
Nangangahulugan na parang sinusuportahan pa nito ang mga Hamas na itinuturing na naghahasik ng karahasan.
Giit pa ng Israel lider na ang sundalo ng Israel ay may mataas na moral sa buong mundo at walang delusional decision ng UN ang makakapagbago nito.