-- Advertisements --

Inilikas ng United Nations refugee agency ang halos 325 refugees mula sa dentention centre sa Tripoli sa kabila ng paglala ng karahasan sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng United Nations High Commissioner ang mga nailigtas nila mula sa Qasr bin Ghashir center ay inilipat sa isa pang Az-Zawiyah detention facility kung saan hindi sila madadamay sa lumalalang gulo sa bansa.

Dahil dito ay umakyat na sa 825 ang bilang ng mga refugees at migrants na nailigtas. Sa ngayon ay mayroong pa ring 3,000 katao ang naiwan sa detention center sa Tripoli.