-- Advertisements --

Ipinaalala ngayon ng United Nations (UN) na pag-ukulan ng pansin ng lahat ang kalinisan ng mga palikuran o sanitation system.

Ginawa ng UN ang paalala kasabay ng taunang selebrasyon ng World Toilet Day.

Ayon sa UN habang tumitindi ang epekto ng climate change, apektado rin ang pagkain ng tao, tagtuyot, mga pagbaha at pagtaas ng sea level.

Dahil dito, nagkakaroon na rin ito ng epekto sa mga ginagamit na toilets ng mga tao hanggang sa mga septic tanks.

world toilet daw

Paliwanag pa ng UN, mahalaga na magkaroon ng sustainable sanitations ang mga bahay na kayang harapin ang problema sa climate change.

Kabilang na rito ang pagpapanatili ng pagmantine ng kalinisan at maayos na kalusugan.

Sinasabing hindi biro ang taun-taon na pagpapaalala tuwing November 19 bilang World Toilet Day.

Kung lahat ay merong maayos na palikuran, alalahanin din na umabot sa siyam na milyon na mga kababayang Pinoy ang hindi umano gumagamit ng toilet.

Ngayong World Toilet Day ipinaaalala rin ng UN na kalahati ng global population o katumbas ng 4.2 billion ay walang maayos na access at ligtas na sanitation.

Nasa 2.3 billion na mga tao ang walang sapat na sanitation services, 892 million naman katao ang sa labas lamang gumagamit ng palikuran.