Mahigit sa 670 katao na ang pinaniniwalaang namatay matapos ang isang landslide sa isang nayon sa Papua New Guinea, ayon sa isang opisyal ng United Nation.
Tinatayang higit 150 na mga bahay na ngayon ang nalibing dulot ng naturang kalamidad, ayon sa opisyal ng UN migration agency na si Serhan Aktoprak.
Hanggang ngayon ay delikado pa rin daw ang sitwasyon dahil sa patuloy na pagbagsak ng lupa. Ani Aktoprak, patuloy na umaagos ang tubig at nagdudulot ito ng matinding panganib sa lahat na nasa Port Moresby.
Higit 1,000 katao na rin ang na-displace mula sa nayon kasabay ng mga taniman ng pagkain at suplay ng tubig na halos lubos na nawasak.
Gumagamit na rin umano ang mga tao ng digging stick, pala, malalaking agricultural fork para alisin ang mga bangkay na nalibing na sa ilalim ng lupa.