Itinigil ng United Nations ang pamamahagi ng pagkain sa southern Gaza city na Rafah matapos na maubos ang suplay at hindi ligtas na security situation doon dahil lumalawak na military operation ng Israel.
Ayon sa UN World Food Program, nauubusan na ito ng maibibigay na pagkain para sa mga Palestinong naiipit sa kaguluhan na nasa central Gaza kung saan daan-daang libong katao ang naninirahan sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, nagbabala ang UN na nakaambang mag-collapse ang humanitarian operations sa naturang teritoryo.
Ginawa ng UN ang naturang babala sa gitna ng nagbabantang paghiling ng arrest warrant ng top war crimes court sa buong mundo na ICC target ang Israel at Hamas leaders.
Base sa UN, nasa 1.1 milyong katao sa Gaza, halos kalahati ng populasyon ang nakakaranas ng kagutuman at nasa bingit ng taggutom.