-- Advertisements --
Itinuturing na ng United Nations (UN) ang Gaza bilang isang “killing fields”.
Sinabi ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres, na kanilang sinisisi rin ang Israel dahil sa pagharang sa mga tulong at bigo silang mapunan ang mga pangangailangan ng residente ng Gaza.
Mahigit isang buwan na kasi ng hindi pinayagan ng Israel Defense Forces ang mga truck ng UN na may dalang mga gamot at pagkain.
Bilang nakasaad sa Geneva Conventions na obligasyon ng mga omo-okupa na matiyak na mayroong sapat na pagkain at gamot ang mga lugar na sinasakop.
Magugunitang nagsagawa ng ilang mga airstrikes ang Israel sa Gaza para tuluyan umanong pakawalan ng Hamas ang lahat ng kanilang mga bihag.