-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations ang patuloy na ginagawang pagsupil ng mga military sa Myanmar laban sa mga protesters.
Sa pinakahuling bilang kasi ay aabot sa 114 na mga protesters ang nasawi sa 44 na lugar sa nasabing bansa.
Nanawagan sina Alice Wairimu Nderitu, UN Special Adviser on the Prevention of Genocide at Michelle Bachelet, UN High Commissioner for Human Rights sa mga opisyal ng Myanmar na tigilan na ang nasabing pagpatay dahil ang sinumpaan nilang tungkulin ay protektahan ang mga tao.
Kanila rin kinondina ang malawakang pag-atake ng mga military sa Myanmar laban sa mga peaceful protesters.
Magugunitang ilang daang protesters na ang nasawi mula ng agawin ng miltary ang pamumuno sa Myanmar.