-- Advertisements --

Kinondina ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang drone strke ng Houthi rebels ng Yemen sa Tel Aviv.

Sinabi nito na ang nasabing insidente ay siyang magpapalala at magdudulot ng muling kaguluhan.

Magugunitang tumama ang drone sa isang gusali malapit sa US embassy sa Tel Aviv na ikinasawi ng isang katao at ikinasugat ng 10 iba pa.

Dahil sa insidente ay mas pinaigting ng Israel ang aerial border monitoring para hindi na maulit ang pagkakalusot ng drone.