Kinondina ng United Nations ang pag-atake ng Russia sa mga port facilities sa Odessa at ilang pantalan ng Black Sea sa Ukraine.

Ayon kay Stephane Dujarric ang tagapagsalita ng United Nations secretary general Antonion Guterres na ang pagsira ng nasabing mga imprastraktura ay isang paglabag sa international humanitarian law.

Ang nasabing atake aniya ay magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga trigo at mais sa buong mundo.

Gumagawa aniya ng paraan ang UN para matiyak na ang mga pagkain at pataba mula sa Ukraine at Russia ay makakarating sa mga bansa.

Maguguntang pinaigting ng Russia ang kanilang missile attack sa mga pantalan ng Ukraine matapos na pasabugin umano ng Ukraine ang Crimea bridge.