-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations ang pagdami na ng mga nasasawing journalist sa Gaza.
Sinabi ni UN chief Antonio Guterres, na hindi katanggap-tanggap na nadadamay ang mga mamamahayag sa nasabing kaguluhan.
Mahalaga na maprotektahan ang boses ng mga journalist ganun din ang press freedom.
Maging ang pagbabawal sa mga media na makapasok sa Gaza ay isang uri ng pagtatakip sa katotohanan.