-- Advertisements --
Kinondina ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres ang pagkasawi ng kanilang staff member sa Rafah city sa Gaza.
Sinabi nito na dapat ang mga humanitarian workers ay maprotektahan lagi.
Umapela rin ito ng agaradng humanitarian ceasefire at pagpapalaya sa lahat ng mga hostages.
Reaction ito ni Guterres ng tamaan ng Israeli forces ang sasakyan ng UN sa Rafah na ikinasawi ng miyembro ng Department of Safety and Security ng UN at ikinasugat ng isa pa.
Ito aniya ang unang pagkakataon na nasawi ang isa nilang staff mula ng sumiklab ang nasabing kaguluhan noong Oktubre.