-- Advertisements --

Ikinagalit naman ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres ang pagboto ng Israeli parliament laban sa pagbuo ng Palestinian state.

Sinabi nito na hindi basta nabubuwag ang isang estado sa pamamagitan lamang ng botohan.

Ang nasabing hakbang ay lalong inilalayo ng Israel ang pagkakaroon ng mapayapang solusyon sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng nila ng Palestines.

Magugunitang makailang ulit na nanawagan ang UN ng mapayapang solusyon sa nagaganap na labanan sa Gaza.