-- Advertisements --

Kinondina ng United Nations (UN) ang ginagawang brutal na pagbuwag ng mga Taliban sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Mula ng pamunuan kasi ng Taliban ang Afghanistan ay pinagbawalan nila ang pagsasagawa ng kilos protesta sa nasabing bansa.

Ayon pa sa UN, nasa apat katao na ang nasawi dahil sa brutal na pagbuwag ng Taliban sa mga protesters.

Base rin sa ulat ng UN, gumagamit ang mga Taliban fighters ng batons, pamalo at baril laban sa mga protesters.

Dahil dito, nanawagan ang UN High Commissioner for Human Rights sa pagpapahinto ng Taliban sa ginagawa nilang madugong pagbuwag sa mga kilos protesta.

Ilan sa mga nagprotesta ay mga kababaihan sa Afghan kung saan nanawagan ang mga ito nang pagrespeto sa karapatan ng kababaihan at ang mas malawak na kapayapaan.