-- Advertisements --
Kinontra ng United Nations ang pahayag ng Israel na mayroong pang sapat na pagkain sa Gaza Strip.
Sinabi ni UN spokesperson Stephane Dujarric na hindi alam ang sinasabi ng Israel dahil mabilis na naubos ang humanitarian supplies para sa Gaza.
Itinanggi rin nila na hawak umano ng mga Hamas ang humanitarian aid ng UN na naipasok sa Gaza mula ng ipatupad ang anim na linggong ceasefire.
Magugunitang una ng nanawagan ang UN na dapat ay magkaroon ng pangmatagalang ceasefire para mabigyan ng tulong ang mga apektadong residente ng Gaza.
Una rito ay patuloy ang ginagawang airstrike ng Israel hanggang hindi tuluyang mapalaya ng mga Hamas ang kanilang mga bihag.