-- Advertisements --
Labis na ikinabahala ng United Nations ang patuloy na paglabag ng Israel sa soberanya at territorial integrity ng Syria.
Sinabi ni UN Secretary General Antonio Guterres, na dahil sa makailang daang air-strikes ang isinagawa ng Israel sa iba’t-ibang bahagi ng Syria ay mahalaga mapababa ang tensiyon sa lugar.
Mula kasi napatalsik si President Bashar al-Assad, ay hindi tumigil ang Israel na magpaulan ng mga airstrikes.
Naningdigan kasi si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nais niyang walang mga armas na ang Syria kaya tinatarget nila ang mga military bases at arms depot ng Syria.