-- Advertisements --

Maglalabas ang United Nations Central Emergency Response Fund (UNCERF) ng $12 milyon na tulong para agad na makabangon ang mga nasalanta ng bagyong Odette sa bansa.

Sinabi ni UN Under-Secretary-General for Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordinator Martin Griffiths na agad nitong ipapalabas ang nasabing pondo para makatulong sa pagtulong ng gobyerno para mabilis na makabangon ang mga nasalanta ng nasabing bagyo.

Pinasalamatan naman ni UN country team coordinator in the Philippines Gustavo Gonzales ang nasabing tulong at sinabing malaking magagawa nito para sa pagbangon ng ilang daang pamilya na pinatumba ng bagyo.

Nauna rito inanunsiyo ng European Union na magbibigay ito ng P160.69 milyon na halaga ng humanitarian assistance sa mga nasalanta ng bagyo.

Maraming bansa rin ang nagpaabot ng tulong mula ng malaman ang matinding pinsala na dulot ng bagyo.