-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ang United Nations ng $2.8 bilyon global appeal for donations para tulungan ang mga Palestino sa Gaza at sa West Bank.
Sinabi ni Andrea De Domenico, ang namumuno sa for the Coordination of Humanitarian Affairs in the Palestinian territory na 90 percent ng nasabing pondo ay para sa Gaza.
Ang orihinal na plano ay $4-bilyon para sa taong ito subalit ito ay binawasan dahil sa limitadong abilidad sa pagbibigay ng humanitarian distribution.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naglunsad ang UN ng paghingi ng pondo dahil noong nakaraang taon ay mayroon na silang inilunsad na paghingi ng pondo para sa mga naipit sa kaguluhan sa Gaza.