-- Advertisements --

Ikinagalit na ni United Nations chief António Guterres , ang tumataas na bilang ng mga nasasawing sibilyan sa pinaigting na military operations ng Israel sa northern Gaza.

Dahil dito ay hinikayat niya ang bawat panig na sumunod sa international humanitarian law.

Mahalaga rin na dapat ay irespeto at protektahan sa lahat ng oras ang mga sibiliyan.

Una ng sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang uubusin ang mga Hezbollah at Hamas na nakatago sa Gaza at Lebanon.