-- Advertisements --

Umapela na si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa Israeli army at Palestinian militants na Hamas na itigil na ang karahasan.

Nababahala ang opisyal na ang patuloy na labanan ay maaaring magresulta sa “hindi mapipigilan na krisis.”

Tinawag ng Palestinian official ang nangyari sa Gaza noong araw ng Linggo na “deadliest day” mula ng sumiklab ang bakbakan.

Umakyat na sa 40 ang patay sa pinakahuling Israeli air strikes sa Gaza.

Nagpaulan naman ang Hamas militants ng mahigit 3,000 rockets sa Israel.

Nag-aalala ang UN na maaaring magresulta sa fuel shortage sa Gaza at mawalan ng power supply ang hospital at iba pang facilities nito kapag hindi matigil ang kaguluhan.

Nauna nang iniutos ni Prime Minister Benjamin Netanyahu na gawing “full force” ang operasyon ng Israeli’s military laban sa Palestinian Hamas militants sa Gaza.

Hindi umano ititigil ng militar ang pakikipagbakbakan hangga’t hindi maibalik sa katahimikan ang bansa kahit tatagal pa ito.