Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng tigdas sa buong mundo ayon sa pagtaya na isinagawa ng UNICEF sa halos 194 na mga bansa kasama na ang Pilipinas.
Ayon sa UNICEF, isa sa malaking factor ng mabilis na pagkalat ng tigdas ay ang kakulangan sa kaalaman ng mga magulang tungkol sa bakuna para rito.
Kasama naman ang Pilipinas sa 10 mga bansa na may mataas na bilang ng tigdas mula noong 2018.
Sa buong mundo nasa 98 mga bansa ang nakitaan nang pagtaas pa ng measles cases noong nakalipas na taon.
Nangunguna rito ang Ukraine na may 35,120 cases noong 2018 kumpara noong 2017 na may 4,782 cases.
Samantala, naitala naman sa Pilipinas ang halos 15,599 na kaso ng tigdas noong 2018 mula sa 2,407 noong taong 2017.
Sa ngayon mahigit na sa 200 ang nasawi sa Pilipinas bunsod ng tigdas outbreak sa ilang mga lugar.
“These cases haven’t happened overnight,” ani Henrietta H. Fore, UNICEF executive director. “Just as the serious outbreaks we are seeing today took hold in 2018, lack of action today will have disastrous consequences for children tomorrow.”
Aminado rin naman si Robin Nandy, principal adviser at chief of immunization at UNICEF, labis ang kanilang pagkaalarma sa sitwasyon lalo na kung hindi gagawa ng epektibong pamamaraan ang mga kinauukulan.
Binigyan diin naman ng UNICEF na walang ispesipikong treatment para sa tigdas pero ang vaccination pa rin daw ang “life-saving tool for children.”
Ang measles ay isang respiratory illness, na amy sintomas mataas na lagnat, pag-ubo, runny nose, conjunctivitis o maaaring may pink eye at rashes. (with report from Bombo Sol Marquez)