-- Advertisements --

Nababahala ang United Nations human rights office na ang ginagawang pag-atake ng Israel sa West Bank ay lubos na nakakabahala at ito ay lalong lumalala.

Sinabi ni UN Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) Ravina Shamdasani , na mayroong ng 637 na mga Palestino ang napatay ng Israeli forces at settlers sa West Bank mula pa noong Oktubre 7.

Ang nasabing bilang ay mas malala pa kumpara sa nagdaang dalawang dekada kung saan pinaigting ng Israeli forces ang kanilang pang-aabuso sa nasabing lugar.

Magugunitang sa mga nagdaang araw ay pinaigting ng Israel ang kanilang pag-atake sa West Bank na ikinasawi ng ilang mga sibilyan.